Xi Jinping: mahalaga ang pagsasakatuparan ng kaayusan sa Afghanistan

2021-09-17 23:23:04  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati ngayong araw, Setyembre 17, 2021, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa magkasanib na summit ng mga lider ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization at Collective Security Treaty Organization tungkol sa isyu ng Afghanistan.

 

Sinabi ni Xi, na naganap kamakailan ang pundamental na pagbabago sa kalagayan ng Afghanistan, at nagdulot ito ng malaking epekto sa situwasyon ng daigdig at katiwasayan ng rehiyon.

 

Aniya, batay sa paggalang sa soberanya, pagsasarili, at kabuuan ng teritoryo ng Afghanistan, at pagpapatupad ng prinsipyo ng "pamamahala ng mga mamamayan ng Afghanistan sa mga suliranin ng bansa," kailangang tulungan ng iba't ibang panig ang pulitikal na paglutas sa isyu ng Afghanistan, at mapayapang rekonstruksyon ng bansa.

 

Iniharap din ni Xi, na dapat pasulungin ng iba't ibang panig ang matatag na transisyon sa kalagayan ng Afghanistan sa lalong madaling panahon, isagawa ang pakikipagdiyalogo sa bansang ito, at tulungan ang mga mamamayan ng Afghanistan na makahulagpos sa kahirapan.

 

Dagdag niya, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na suportahan ang mga mamamayan ng Afghanistan na magbukas ng magandang kinabukasan, at pangalagaan anng pangmatagalang kapayapaan at katahimikan sa rehiyong ito.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method