Eleksyon kaugnay ng Election Committee ng Hong Kong, nagpapakita ng pagsulong sa kalidad ng demokrasya

2021-09-20 15:44:04  CMG
Share with:

Eleksyon kaugnay ng Election Committee ng Hong Kong, nagpapakita ng pagsulong sa kalidad ng demokrasya_fororder_52209264681b493795cc821260ca9067

 

Positibong pagtasa ang ibinigay ngayong araw, Setyembre 20, 2021, ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, ang katatapos na halalan ng mga subsektor ng Election Committee ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR).

 

Sinabi ng tagapagsalita, na ito ay unang mahalagang halalang idinaos sa Hong Kong, pagkaraang ipatupad ang Batas sa Pangangalaga sa Pambansang Seguridad, at pagpapabuti ng sistemang elektoral.

 

Eleksyon kaugnay ng Election Committee ng Hong Kong, nagpapakita ng pagsulong sa kalidad ng demokrasya_fororder_bf9e06d559ea4779a4a62422aef08439

 

Ang halalang ito aniya ay masiglang halimbawa ng lubos na pagsasagawa ng prinsipyo ng "pamamahala ng mga makabayan sa Hong Kong."

 

Makakabuti ito sa pangmatagalang kaayusan ng Hong Kong, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga lokal na mamamayan, at pagpapatupad ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," saad ng tagapagsalita.

 

Aniya pa, lumaki sa 1,500 ang bilang ng mga miyembro ng bagong Election Committee mula dating 1,200, at ibayo pang pinabuti ang komposisyon ng komite at pamamaraan ng pagbuo nito.

 

Dagdag niya, makakatulong ito sa balanseng pakikilahok ng iba't-ibang sektor ng lipunan, at ipinakikita rin nito ang pagsulong sa kalidad ng demokrasya sa Hong Kong.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method