Video conference ng mga ministrong panlabas ng G20 hinggil sa isyu ng Afghanistan, dinaluhan ni Wang Yi

2021-09-23 16:34:00  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo ngayong araw, Setyembre 23, 2021 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G20 hinggil sa isyu ng Afghanistan.
 

Saad ni Wang, bilang pangunahing plataporma ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, dapat patingkarin ng G20 ang konstruktibong papel sa proseso ng paghahanap ng kapayapaan, at pagpapasulong sa kaunlaran ng Afghanistan.
 

Hinggil dito, iniharap niya ang sumusunod na mungkahi:
 

Una, pag-ibayuhin ang lakas at bilis ng pagbibigay-saklolo sa Afghanistan, para resolbahin ang pangkagipitang makataong pangangailangan.
 

Ika-2, alisin ang iba’t-ibang unilateral na sangsyon o limitasyon sa Afghanistan. Ang foreign reserve ng Afghanistan ay hindi dapat maging bentahe para sa ibang bansa sa pagpapataw ng pulitikal na presyur sa Afghanistan.
 

Ika-3, suportahan ang pagpili ng mga mamamayang Afghan sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan at pagbuo ng malawak at inklusibong estrukturang pulitikal.
 

Ika-4, buuin ng komunidad ng daigdig ang nagkakaisang prente laban sa terorismo, para pigilan ang muling pagiging pugad ng terorismo ng Afghanistan.
 

Ika-5, isabalikat ng Amerika at mga bansa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pangunahing responsibilidad ng pagresolba sa isyu ng mga refugee at mandarayuhan ng Afghanistan. Samantala, kailangang tulungan ng komunidad ng daigdig ang Afghanistan na pabilisin ang rekonstruksyon.
 

At ika-6, kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapatingkad ng namumunong papel ng United Nations (UN) sa aspekto ng pangangalaga sa kapayapaan at makataong saklolo sa Afghanistan. Winewelkam din ang pagpapalakas ng papel ng mga multilateral na mekanismong may kinalaman sa Afghanistan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method