“Ang demokrasya ay hindi espesyal na karapatan ng isang bansa lamang, sa halip, ito ay karapatan ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.”
Ito ang winika ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa Pangkalahatang Debatehan ng Ika-76 na Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) noong Setyembre 21, 2021.
Sa Tsina, ang mga mamamayan ay nukleo ng demokrasya.
Ang lahat ng mahahalagang lehislatura at desisyon ay ginagawa, batay sa siyentipiko’t demokratikong prosedyur, at ang mga opisyal Tsino ay dapat makaranas ng paghalal at pagsubok sa iba’t-ibang antas, para maigarantiyang sila ay puspusang maglilingkod sa mga mamamayan.
Ayon sa sarbey ng Harvard Kennedy School nitong nakalipas na 10 taong singkad, nananatiling 90% pataas ang satisfaction rating ng mga mamamayang Tsino sa pangangasiwa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) bawat taon.
Ang demokrasya ay hindi dekorasyon ng isang bansa.
Matatandaang naabot kamakailan ng Tsina ang target nito na i-ahon ang lahat ng mamamayan mula a ganap na karalitaan; ang Tsina ang pinaka-unang bansang nakapagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19); at lampas sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Ang lahat ng mga katotohanang ito ay nagpapakita ng kagila-gilalas na administratibong bisa ng demokrasyang Tsino.
Samantala, tinukoy ni Michel Aglietta, Tagapagtatag ng French Regulation School na “ang patuloy na umusulong na biyaya ng mga Tsino ay isang matibay na simbolo ng uri ng demokrasya ng bansa.”
Salin: Vera
Pulido: Rhio