1, patay; 7 sugatan sa pagsabog sa silangang Afghanistan

2021-09-26 16:04:29  CMG
Share with:

Isa ang nai-ulat na nasawi, samantalang pitong iba ang sugatan sa pagsabog na naganap nitong Sabado, Setyembre 25, 2021 sa Jalalabad, silangang Afghanistan.
 

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon ang umaako ng responsibilidad sa pangyayari.
 

Matatandaang noong Setyembre 18, naganap ang tatlong pagsabog sa Jalalabad, na ikinamatay ng 2 katao, at ikinasugat ng 19 na iba pa.
 

Isang araw matapos ang nasabing mga pagsabog, inamin ng IS-K ang reponsibilidad sa mga ito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method