Sa ngalan ng 30 bansa, ipinanawagan sa Pangkalahatang Debatehan ng Ikatlong Komite ng Ika-76 na Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), Huwebes, Setyembre 30, 2021, ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN ang ganap at agarang pagtitigil ng mga unilateral at gawain ng pamimilit o coercive measure.
Ayon sa Office of the UN High Commissioner for Human Rights, ang naturang mga gawain ay kadalasang tumutukoy sa mga hakbang na pangkabuhayan na pinaiiral ng isang bansa laban sa isa pang bansa para baguhin ng huli ang mga patakaran nito.
Diin ni Zhang, ang ganitong mga hakbang ay lumalapastangan sa mga karapatang-pantao at nagpapasidhi rin ng mga kapahamakang-pantao.
Ito ang ikalawang pagkakataon kung kailan inilahad ng Tsina ang katulad na panawagan, kasama ang iba pang mga bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio