Iba't-ibang uri ng pamumuhunang dayuhan sa Tsina noong unang hati ng 2021, lumaki ng 1.7 ulit

2021-10-01 16:01:04  CMG
Share with:

Inilabas nitong Huwebes Setyembre 30, 2021 ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina ang ulat hinggil sa international revenue at expenditure ng bansa noong unang hati ng 2021.
 

Ayon sa datos, nanatiling balanse sa kabuuan ang international revenue at expenditure ng Tsina, at nanatili rin sa humigit-kumulang $USD 3.2 trilyon ang reserba ng palitang panlabas ng bansa noong unang hati ng taong ito.
 

Sa isang banda, mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at tuluy-tuloy na lumalakas ang pag-akit ng mga RMB asset.
 

Umabot sa $USD 442.8 bilyon ang iba’t- ibang uri ng pamumuhunang dayuhan sa Tsina, at ito ay lumaki ng 1.7 beses kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
 

Samantala, umabot sa $USD 414 bilyon ang iba’t-ibang uri ng pamumuhunang panlabas, at ito ay lumaki ng 1.1 ulit.
 

Inihayag ng kaukulang namamahalang tauhan ng SAFE na sa huling hati ng taong ito, mayroon pa ring mga di-matatag at di-tiyak na elemento sa takbo ng kabuhaya’t pinansyang pandaigdig.
 

Pero mananatiling maganda ang pundasyon ng kabuhayang Tsino, tuluy-tuloy na susulong ang komprehensibong pagpapalalim ng reporma’t pagbubukas, lalakas at mananatiling matatag sa kabuuan ang pleksibilidad ng RMB exchange rate, bagay na maglalatag ng matibay na pundasyon para sa pagkabalanse ng international revenue at expenditure.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method