Pandaigdigang regulasyon, dapat kilalanin ng iba’t-ibang bansa sa daigdig — Tsina

2021-10-02 11:28:45  CMG
Share with:

Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, na di umaasa ang kanyang bansang babalangkasin ng Tsina ang mga regulasyon sa mga masusing larangan.

Aniya, para mapigilan ng Amerika ang bilis ng inobasyon at pag-unlad ng  Tsina, kailangan itong makipagkooperasyon sa mga kaalyadong bansang Europeo upang magkakasamang balangkasin ang mga regulasyon sa mga larangang gaya ng cyber at artificial intelligence.

Kaugnay nito, tinukoy ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pananalita ay muling nagbunyag ng tunay na tangka ng panig Amerikano na puspusang pigilin at atakehin ang pag-unlad ng Tsina.

Ito ay ganap na halimbawa ng autokrasya at hegemonya, diin niya.

Sinabi ni Hua na lagi’t laging isinusulong ng panig Tsino ang unibersal na pagtatamasa ng pagkakataon at karapatan sa pantay na pag-unlad ng lahat ng bansa sa daigdig.

Kaugnay nito, dapat aniyang magkakasamang kilalanin ng iba’t-ibang bansa ang mga pandaigdigang regulasyon, sa halip na monopolisasyon ng iilang panig lamang.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method