Dumating kagabi, Oktubre 5, 2021, local time, ng Zurich, Switzerland, si Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, para makipagtagpo kay Jake Sullivan, Tagapayo sa Pambansang Seguridad ng Amerika.
Nauna rito, isinalaysay ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang pagtatagpo ay idaraos batay sa komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Amerika sa kanilang pag-uusap sa telepono noong nagdaang Setyembre 10, at sa pamamagitan ng pagsasanggunian ng dalawang panig.
Magpapalitan ng palagay ang dalawang opisyal tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga may kinalamang isyu, dagdag ni Hua.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos