Tsina, palalakasin ang pinansyal na suporta sa pagpoprodyus ng karbon at koryente

2021-10-06 17:02:25  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ng China Banking and Insurance Regulatory Commission, na palalakasin ang pinansyal na suporta sa pagpoprodyus ng karbon at koryente, para igarantiya ang suplay at patatagin ang presyo ng mga ito.

 

Nitong ilang araw na nakalipas, ang pagkawala ng koryente ay nakaapekto sa mga residente at pabrika sa ilang lugar ng Tsina.

 

Ipinahayag ng mga lokal na awtoridad, na ang pangunahing dahilan sa kasalukuyang problema sa paggawa ng koryente ay kakulangan sa suplay ng karbon at mabilis na pagtaas ng presyo nito.

 

Samantala, ipinahayag nilang, isasagawa ang mga hakbangin, para igarantiya ang suplay ng koryente sa darating na panahon ng taglamig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method