Tsina, aktibong tinutulungan ang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na resolbahin ang isyu ng suplay ng koryente

2021-02-20 14:25:52  CMG
Share with:

Sinabi nitong Biyernes, Pebrero 19, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa pamamagitan ng Belt and Road Initiative, isinasagawa ng Tsina ang kooperasyon sa enerhiya sa mga kaukulang bansa, at tinutulungan silang resolbahin ang isyu ng suplay ng koryente.
 

Tinukoy ni Hu na hindi pa nalulutas ang isyu ng paggamit ng koryente ng 800 milyong populasyon sa daigdig, at ang karamihan sa kanila ay nasa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Batay sa sariling kalagayan ng estado at enerhiya, nilulutas ng ilang bansa ang isyu ng suplay ng koryente, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng coal power.
 

Diin ni Hua, batay sa pangangailangan at kahilingan ng mga kaukulang bansa, ipinagkaloob ng mga kompanyang Tsino ang malinis, mapagkakatiwalaan at ligtas na plano sa pagsuplay ng koryente na may mataas na pamantayan at mababang pagbuga’t energy consumption, bagay na hindi lamang nagbibigay-tulong sa pagpapasulong sa kabiyayaan ng mga mamamayan ng kaukulang bansa, kundi nakakapagpasulong din sa pag-unlad ng kabuhayan at katatagan ng lipunan sa lokalidad.
 

Salin: Vera

Please select the login method