Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), inilipat ngayong araw, Oktubre 7, 2021, sa launchpad sa Jiuquan Satellite Launch Center ang rocket na may dalang Shenzhou-13 spacecraft.
Ito ay paghahanda para sa susunod na manned mission ng pagbuo ng bagong space station ng Tsina.
Ihahatid ng Shenzhou-13 ang tatlong astronaut na Tsino sa space station, at mananatili sila roon sa loob ng kalahating taon, bago bumalik sa mundo.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos