Plano sa video conference nina Xi at Biden, tinalakay ng opisyal ng Tsina at Amerika

2021-10-09 15:21:37  CMG
Share with:

Kinumpirma kahapon, Oktubre 8, 2021, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pagtatagpo kamakailan sa Zurich, Switzerland, nina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, at Jake Sullivan, Tagapayo sa Pambansang Seguridad ng Amerika, tinalakay ng dalawang opisyal ang tungkol sa pagsasagawa ng video conference nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Joe Biden, bago ang katapusan ng taong ito.

 

Dagdag ni Zhao, ito ay batay sa komong palagay na narating ng dalawang lider sa kanilang pag-uusap sa telepono noong Setyembre, para sa pagpapanatili ng madalas na pag-uugnayan sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method