Ipininid kamakailan ang Ika-48 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Pinagtibay sa pulong ang resolusyong “Negatibong epekto ng naiwang problema ng kolonyalismo sa karapatang pantao” na iniharap ng Tsina, bagay na nagpapakitang ganap na nakita ng komunidad ng daigdig ang mapagkunwaring esensya ng ilang bansang Kanluranin na “pekeng karapatang pantao, totoong hegemonya” at “pekeng demokrasya at totoong panghihimasok.”
Bunga nito, nabigo ang kanilang tangkang dungisan ang ibang bansa at panghimasukan ang suliraning panloob ng iba sa katuwiran ng umano’y “karapatang pantao.”
Sa nasabing pulong, ipinahayag sa pamamagitan ng magkakaibang porma, ng halos isang daang bansa ang kanilang suporta sa posisyon ng Tsina. Diin nila, ang isyu ng Xinjiang, Hong Kong, at Tibet ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat panghimasukan ng anumang bansa ang mga ito.
Ang nasabing makatarungang tinig ay respetong nakabase sa katotohanan.
Halimbawa, bunga ng isinasagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino sa Xinjiang, nagkakaroon ang mga mamamayang lokal ng tahimik at ligtas na pamumuhay, at lubos na naigagarantiya ang kanilang karapatan alinsunod sa batas.
Kaugnay nito, ipinahayag sa naturang pulong ni Carlos Martinez, bantog na iskolar ng Britanya sa pandaigdigang pulitika, na sa kanyang biyahe sa Xinjiang nitong ilang taong nakalipas, hindi niya nakita ang anumang “culture genocide” at “religious oppression.”
Aniya, ang umano’y isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang ay ganap na niluto ng Amerika. Layon nitong pigilin ang pag-unlad ng Tsina, diin pa niya.
Ang resolusyong “negatibong epektong dulot ng naiwang problema ng kolonyalismo sa karapatang pantao” na iniharap ng Tsina sa nasabing pulong, ay nakakuha rin ng suporta ng iba’t-ibang panig.
Tinukoy ni Evan P. Garcia, kinatawang Pilipino na minsa’y sinakop at pinagharian ng Espanya at Amerika ang Pilipinas, kaya lubos nitong alam ang kahalagahan ng ganap na pagputol sa mga naiwang problema ng kolonyalismo para sa pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao.
May napakalaking katuturan ang nasabing resolusyon, aniya.
Sa ngayon, dapat munang hawakan ng mga umano’y Western “human rights defenders” ang kanilang sariling “human rights debts,” at itigil ang kanilang panghihimasok sa kalagayan ng karapatang pantao ng mga ibang bansa. Oras na dapat iwasto ang kamalian nila.
Salin: Lito
Pulido: Mac