Ipinatalastas ngayong araw, Oktubre 12, 2021 ng Tsina ang pormal na pagtatatag ng unang pangkat ng mga pambansang parke.
Kabilang sa listahan ng nasabing pambansang parke ay ang Sanjiangyuan National Park, Wuyi Mountain National Park, Giant Panda National Park, Northeast China Tiger and Leopard National Park, at Hainan Tropical Rainforest National Park.
Noong 2015, inilunsad ng Tsina ang isang pilot national park system.
Mula Hulyo hanggang Disyembre ng nagdaang taon, isinagawa ng isang grupong binubuo ng 26 na dalubhasa mula sa 16 na institusyon ang pagtasa sa likas na yaman at kaukulang gawain ng 10 pilot national parks.
Ang unang pangkat ng mga pambansang parke ay pinili mula sa nasabing 10 pilot parks.
Salin: Vera
Pulido: Mac