Pagpipilipit ng mga pulitiko ng Taiwan ng Resolusyon Bilang 2758 ng UNGA, malubhang probokasyon sa simulaing “Isang Tsina”

2021-10-13 16:13:46  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng mga dayuhang media, maraming beses na pilit pinipilipit ng ilang pulitikong Taiwanes ang Resoluyon Bilang 2758 ng United Nations General Assembly (UNGA), at sinasabi na di-angkop ang paghadlang sa pagsapi ng Taiwan sa UN, batay sa nasabing resolusyon.
 

Kaugnay nito, inihayag nitong Martes, Oktubre 12, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang anumang katuwiran ang pananalita ng nasabing mga pulitikong Taiwanes.
 

Diin ni Zhao, nilutas ng Resolusyon Bilang 2758 na pinagbitay noong 1971 ang isyu ng pagkatawan ng Tsina sa UN, sa mga aspekto ng pulitika, batas at prosedyur.
 

Aniya, base sa aktuwal na praktika nitong maraming taong nakalipas, lubos na kinikilala ng UN at mga kasaping bansa nito ang katotohanang iisa lang ang Tsina sa daigdig, ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, at lubos nilang ginagalang ang soberanya ng Tsina sa Taiwan.
 

Dagdag ni Zhao, nananalig ang panig Tsino na patuloy na mauunawaan at susuportahan ng UN at mga kasaping bansa nito ang makatarungang usapin ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, pagtutol sa separatismo, at pagsasakatuparan sa reunipikasyon ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method