Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak

2021-09-23 15:53:26  CMG
Share with:

Puspusan ngayon ang pagtugon ng mga awtoridad sa COVID-19 outbreak na nagaganap sa mga lunsod ng Xiamen, Putian, Quanzhou ng lalawigang Fujian at maging sa Harbin, lalawigang Heilongjiang.

 

Pumutok ang balita na nagaganap sa Putian county ang bagong outbreak noong Setyembre 11.

 

High-risk area ang Xiamen ngayon.  At pinapayuhan ang mga residenteng manatili sa bahay at‘wag munang mag-biyahe sa ibang lugar kung di naman kinakailangan.

 

Si Bong Antivola ay higit 15 taon nang nakatira sa Xiamen.  Sa pamamagitan ng mga chat groups sa WeChat unang nabalitaan ni Bong na may mga nag-positibo sa lugar niya.

 

Aniya,“Maliit lang ang Xiamen at closely-knit city. Nag-alala ako sa simula dahil ako'y  social person. Di pwede sa akin ang magkulong sa bahay. Pero tiwala ako sa city government na mabilis itong aakto para pigilan ang pandemic.”

 

Kuwento ni Bong, noong 2020, hindi malala ang COVID-19 infections sa Xiamen. Ligtas sila at sa katunayan balik trabaho na ang karamihan noong Pebrero 2020.

 

Pero ngayon tahimik ang mga lansangan. Sarado ang mga eskwelahan, malls, bars at pasyalan. Ang mga resto ay for delivery only.

 

Tuluy-tuloy ang nucleic acid tests sa mga tao. Nitong dalawang linggong nakalipas, kwento ni Bong, naka-limang (5)  tests na siya. Agad na inililipat sa quarantine o COVID-19 facility  ang sino mang mag-positibo.

 

Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak_fororder_微信图片_20210924204633

Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak_fororder_微信图片_202109242046331

Si Bong Antivola, habang nakapila para sa nucleic acid test kasama ang mga Pilipinong managers ng Robinsons Xiamen

 

“Ilang districts ang nasa ilalim ng mahigpit na control gaya ng  Tong'an, pero hindi ng buong lunsod. Pwede kaming umikot pero pag napadpad sa restricted area, the QR code will turn to orange,” paglalahad ni Bong tungkol sa kasalukuyang sitwasyon.

 

Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak_fororder_微信图片_202109242046333

Laging mag-mask para protektado sa COVID-19

 

Pro-active ang salitang ginamit ni Bong para ilarawan ang pagtugon ng pamahalaan ng Xiamen. “Xiamen is at it's best in the health and safety protocols,”saad niya.

 

Upang tumulong sa pagpapakalat ng tamang impormasyon at himukin ang mga taong tumulong sa komunidad o sumunod sa mga patakaran ng pamahalaan, gumawa si Bong ng mga short videos na kaniyang ipino-post sa social media.

 

Ayon kay Bong namahagi ang Philippine Consulate ng gift packages sa mga Filipino community na nasa lalawigang Fujian at Jiangxi. “Anumang tulong kahit maliit o paggawa ng kabutihan ay mahalaga sa panahong ito. Gaya ng pamimigay ng Landy International ng hand sanitizers sa mga komunidad sa  Xiamen,” ani Bong.

 

Para palipasin ang panahong nasa bahay lamang at maka-iwas sa buryong, nagpipinta, nagluluto at nag-eehersisyo si Bong.  Nililibang ang sarili sa pamamagitan ng musika at panonood ng masayang mga programa at classic films mula sa Pilipinas.

 

 

Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak_fororder_微信图片_202109242046332

Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak_fororder_微信图片_202109242046334

Bong Antivola: Pagtutulungan at kabutihang loob, mahalaga sa pagdaig ng Xiamen sa COVID-19 outbreak_fororder_微信图片_202109242046335

Stay at Home mode kaya may oras mag-pinta at mag-ehersisyo

 

Gaya ng Xiamen, nilalabanan din ng Pilipinas ang pandemiya. Mensahe ni Bong sa mga kababayan,“Stay Strong Philippines! Filipinos are known to be resilient in times of crisis but COVID-19 is probably one of the country's biggest challenge. Let us unite and stop politicizing. It is time to help each other as a country!”

 

Ulat: Machelle Ramos

Content-edit: Jade/Mac

Web-edit: Jade/Vera

Larawan: Bong Antivola

Please select the login method