Ayon sa China Manned Space Agency (CMSA), ilulunsad sa darating na Sabado, Oktubre 16, 2021, mula sa Jiuquan Satellite Launch Center ang Shenzhou-13 manned spacecraft.
Ihahatid ng naturang spacecraft ang tatlong astronaut na Tsino na sina Zhai Zhigang, Wang Yaping, at Ye Guangfu, sa kalawakan, para ipagpatuloy ang pagbuo ng bagong space station ng Tsina.
Ang naturang tatlong astronaut, na kinabibilangan ng isang babae, ay mananatili sa space station sa loob ng kalahating taon, bago bumalik sa mundo.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan