Kalakalang panlabas ng Tsina mula Enero hanggang Agosto, lumago ng 23.7%

2021-09-07 15:39:57  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Setyembre 7, 2021 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang 8 buwan ng taong ito, umabot sa 24.78 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina, at ito ay lumaki ng 23.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Kalakalang panlabas ng Tsina mula Enero hanggang Agosto, lumago ng 23.7%_fororder_20210907kalakalan1

Kabilang dito, 13.56 trilyong yuan ang pagluluwas, na lumaki ng 23.2%; samantalang 11.22 trilyong yuan naman ang pag-aangkat na lumaki ng 24.4%.

Kalakalang panlabas ng Tsina mula Enero hanggang Agosto, lumago ng 23.7%_fororder_20210907kalakalan2

Mula noong Enero hanggang Agosto, pawang lumago ang kalakalang panlabas ng Tsina sa mga pangunahing trade partner na gaya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo (EU), at Amerika.
 

Ang ASEAN at EU ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Tsina, at kapuwa lumampas sa 22% ang paglago ng kalakalan.
 

Gayon pa man, 7.29 trilyong yuan ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito ay tumaas ng 24.6%.
 

Inihayag ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng nasabing administrasyon, na ang ganitong magandang resulta ng kalakalang panlabas ay bunga ng mabisang pagpigil at pagkontrol ng bansa sa pandemiya, at tuluy-tuloy at matatag na pagpapanumbalik ng kabuhayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method