Tsina at Alemanya, natamo ang mga bunga sa relasyon at may lubos na pagtitiwalaan

2021-09-11 18:52:43  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono kagabi, Setyembre 10, 2021, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya.

 

Tinukoy ni Xi, na mula noong isang taon, ang madalas na pagpapalitan nila ni Chancellor Merkel ay gumaganap ng mahalagang papel para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Aleman at Sino-Europeo, at nagpapakita rin ng lubos na pagtitiwalaan ng dalawang bansa.

 

Hinahangaan din niya ang magkasamang pagpapasulong ng Tsina at Alemanya sa paglalagda sa Kasunduan sa Pamumuhunan ng Tsina at Europa, pagtataguyod sa multilateralismo, pangangalaga sa malayang kalakalan, aktibong pagharap sa pagbabago ng klima, at pagbibigay ng ambag sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

 

Aniya, ang saligang dahilan kung bakit natamo ng Tsina at Alemanya ang naturang mga bunga sa kanilang relasyon ay paggalang ng dalawang bansa sa isa’t isa, pagpapalawak ng mga komong palagay sa kabila ng mga umiiral na pagkakaiba, at pagpapahalaga sa win-win na kooperasyon.

 

Ipinahayag naman ni Merkel, na nakahanda ang Alemanya, kasama ng Tsina, na pasulungin ang mga diyalogo ng dalawang bansa at sa pagitan ng Tsina at Europa, para bawasan at maayos na hawakan ang mga pagkakaiba.

 

Dagdag niya, ang Kasunduan sa Pamumuhunan ng Tsina at Europa ay makakabuti sa kapwa panig, at kailangang pabilisin ang proseso ng pag-aaproba para magkabisa ito sa lalong madaling panahon.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method