“Kung tatasahin ang pagiging demokratiko o hindi ng isang bansa, ang susi ay nakasalalay sa pagsasakatuparan o hindi ng tunay na sariling pagpapasiya ng mga mamamayan.”
Winika ito ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa central conference hinggil sa mga gawaing may kinalaman sa kongresong bayan na ginanap sa Beijing mula Oktubre 13 hanggang Oktubre 14.
Malalimang inilahad ni Pangulong Xi ang ideya ng whole-process people's democracy, o buong proseso ng demokrasya ng bayan, alalaong baga’y demokratikong sistema na nagbibigay-garantiya sa sariling pagpapasiya ng mga mamamayan, at nakakatugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga mamamayan.
Aniya, ang sistema ng kongresong bayan ay magandang sistema na angkop sa aktuwal na kalagayan ng bansa, at nagbibigay ng garantiya sa pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Ito aniya ay panibagong sistemang pulitikal na may mahalagang katuturan sa kasaysayan ng pag-unlad ng pulitika ng Tsina, maging ng buong mundo.
Diin ni Xi, dapat igiit ang landas ng pag-unlad ng sosyalistang pulitika na may katangiang Tsino, kumpletuhin ang sistema ng kongresong bayan, at walang humpay na paunlarin ang buong proseso ng demokrasya ng bayan.
Salin: Vera
Pulido: Mac