Tsina, handang makipagkooperasyon sa iba’t-ibang bansa sa larangan ng enerhiya

2021-10-19 11:29:44  CMG
Share with:

Tsina, handang makipagkooperasyon sa iba’t-ibang bansa sa larangan ng enerhiya_fororder_20211019Hanzheng600

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng talumpati sa Beijing nitong Lunes, Oktubre 18, 2021 si Han Zheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, sa Ika-2 Pulong ng mga Ministro ng Enerhiya ng Belt and Road.

Ipinahayag niya na nitong 8 taong nakalipas sapul nang iharap ng Tsina  ang Belt and Road Initiative (BRI), malawakang kinikilala at aktibong nilalahukan ito ng komunidad ng daigdig, at natamo ang kapansin-pansing bunga.

Ani Han, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang kooperason sa enerhiya ay mahalagang larangan ng magkakasamang konstruksyon ng BRI. Nakahanda ang Tsina na sa balangkas ng BRI, palakasin ang pakikipagkooperasyon sa iba’t-ibang bansa sa larangan ng enerhiya para magkakasamang mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng enerhiya sa buong mundo at maigarantiya ang kaligtasang pang-enerhiya sa daigdig.

Ang nasabing pulong ay magkasanib na itinaguyod ng Pambansang Kawanihan ng Enerhiya at pamahalaang panlalawigan ng Shandong ng Tsina. Ang tema nito ay “Magkakasamang Pagtungo sa mas Luntian at Inklusibong Kinabukasan ng Enerhiya.”


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method