Ipinahayag kamakailan ni Ambahador Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) na nagbayad na ang bansa ng buong kasalukuyang UN peacekeeping assessments.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, pirmihang miyembro ng UN Security Council, ikalawang pinakamalaking tagapag-ambag para sa regular na budget at peacekeeping assessments ng UN, laging nagbabayad ang Tsina ng naturang budget at pondo, bilang pagtupad sa mga obligasyong pinansyal sa UN.
Ang pagbayad ng Tsina kamakailan ng buong assessments para sa misyong pamayapa ng UN sa naka-mandatong panahon bago mag-Disyembre 31, 2021 na itinakda ng Security Council ay nagpapakita ng pagtupad ng multilateralismo at pagsuporta sa UN, diin ni Zhao.
Ang taong 2021 ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng Tsina ng pambatas na katayuan sa UN. Hinding hindi nagbabago ang paniniwala ng Tsina sa buong-tatag na pagkatig ng pandaigdigang sistema kung saan nasa sentro ang UN at makabuluhang papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig, dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.
Ang ika-19 na grupong medikal ng Tsina na nakatagala sa Lebanon para sa misyong pamayapa ng UN habang nagtuturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa iba pang mga miyembrong pamayapa sa naturang bansa mula sa Pilipinas, Cambodia, Nepal, Indonesia, Brazil, at iba pa. Larawang kuha Hunyo 28, 2021.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CFP
Komemoratibong barya para sa 2020 Conference of Parties to the CBD ng UN, ipinalabas ng Tsina
40% populasyon sa daigdig, planong bakunahan kontra COVID-19 ng WHO bago magtapos ang 2021
63 miyembro ng tropang pamayapa ng Tsina, ginawaran ng UN Peace Medals of Honor
Bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa mga tauhang pamayapa ng UN