Mariing kinokondena at tinututulan ng Tsina ang di-umano’y ulat sa relasyong pulitikal at kooperasyon ng Unyong Europeo (EU) at Taiwan na pinagtigay ng European Parliament nitong Huwebes, Oktubre 21, 2021. Hinimok din ng Tsina ang European Parliament na itigil kaagad ang mga pahayag at kilos na nakakapinsala sa soberanya at kabuuang teritoryo ng Tsina.
Sa regular na preskon nang araw ring iyon, muling ipinagdiinan ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Taiwan ay di-mahihiwalay na bahagi ng Tsina. Lantarang labag sa prinsipyong isang Tsina ang naturang ulat ng European Parliament, at labag din sa mga pampublikong pangako ng EU hinggil sa isyu ng Taiwan, dagdag pa ng tagapagsalitang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac