Pahayag ng ministrong panlabas ng Rusya hinggil sa Taiwan, hinahangaan ng panig Tsino

2021-10-14 15:34:55  CMG
Share with:

Lubos na hinangaan kahapon, Oktubre 13, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang positibong pahayag ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya kaugnay ng usapin ng Taiwan.
 

Saad ni Zhao, ito ay nangangahulugang nauunawaan at sinusuportahan ng Rusya ang makatarungang usapin ng panig Tsino sa pagtatanggol sa soberanya at kabuuan ng teritoryo, pagtutol sa separatismo, at pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng bansa.
 

Inihayag kamakailan ni Lavrov na tulad ng karamihan ng mga bansa sa daigdig, ipinalalagay ng Rusya na ang Taiwan ay bahagi ng Republika ng Bayan ng Tsina.
 

Aniya, palagian at patuloy na itatakda ang mga patakarang panlabas batay rito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method