Ipinahayag kahapon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang Oktubre 17, nagkaloob ang Tsina ng mahigit 1.5 bilyong bakuna kontra COVID-19 sa mahigit 100 bansa at organisasyong internasyonal. At kasunod ng pagpapataas ng kakayahan ng produksyon, magkakaloob ang Tsina ng mas maraming ligtas at epektibong bakuna sa buong daigdig, partikular na, mga umuunlad na bansa.
Nang sagutin ang mga taong na may kinalaman sa foreign aid ng bakauna, sinabi ni Wang na sapul nang maganap ang epidemiya ng COVID-19, laging nasa-isip ng Tsina na ang bakuna ay isang abot-kayang produktong pampubliko, at nagsisikap ang Tsina hangga’t maaari para makapagbigay ng bakuna sa buong daigdig. Nitong nakaraang isang linggo lamang, nagkaloob ang Tsina ng mahigit 60 milyong dosis na bakuna sa mga 20 umuunlad na bansa sa Asya, Aprika, Latin Amerika at Europa at gumawa ng positibong papel sa patuloy na paglaban sa epidemiya. Nanawagan din ang Tsina sa lahat ng may kayang bansa na tumupad sa pangako at magkaloob ng bakuna sa ibang bansa.
Salin: Sissi Wang
Pulido: Mac