Ibibigay ng Tsina sa Pilipinas ang isa pang milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, at inaasahang darating ang mga ito sa bansa sa susunod na linggo.
Ito ang winika ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas sa seremonya ng virtual turnover ng sampung behikulo ng pasuguang Tsino sa Davao city, nitong Miyerkules, Oktubre 13, 2021.
Sa ngalan ng Davao City, lumahok sa seremonya ng turnover ang pangalawang alkalde na si Sebastian "Baste" Duterte.
Kabilang sa naturang sampung behikulo ang apat na ambulansiya at anim na van. Layon nitong suportahan ang pagsisikap ng Davao City laban sa pandemiya at magbigay ng pag-asa para sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, ani Huang.
Ipinahayag ni Duterte ang pasasalamat sa pasuguang Tsino. Aniya, sa gitna ng kahirapan sa pakikibaka laban sa COVID-19, ang donasyon ng panig Tsino ay magpapaginhawa ng paghahatid ng mga may-sakit.
Sinabi naman ni Huang na sapul nang sumiklab ang pandemiya, nagkakapit-bisig at nagdadamayan ang Tsina’t Pilipinas. Sa pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping at Rodrigo Duterte nitong nagdaang Agosto, ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina na patuloy na makipagtulungan sa Pilipinas sa larangan ng pagtutulungan laban COVID-19 at magkaloob ng suporta sa panig Pilipino sa abot ng makakaya.
Bilang pagtupad sa pangako, muling magbibigay ang Tsina ng isang milyong dosis ng bakuna na gawa ng Sinovac Biotech Ltd., ani Huang.
Layon nito aniyang suportahan ang Pilipinas sa pagpapatupad ng pambansang pagbabakuna at pasulungin ang muling paglago ng kabuhayan.
Matatandaang nauna rito, isang milyong dosis ng Sinovac at isang milyong dosis ng Sinopharm ang naipagkaloob ng pamahalaang Tsino sa Pilipinas. Ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking pinanggagalingan ng Pilipinas ng bakuna kontra COVID-19.
Kaugnay ng pagtutulungang Pilipino-Sino sa Davao, maalwang isinasagawa ang Davao River Bridge, Davao-Samal Island Bridge, at unang yugto ng Davao Expressway.
Sa diwa ng Bayanihan, patuloy na magkakaloob-tulong ang Tsina sa Pilipinas, para mapabuti ang imprastruktura at pamumuhay ng mga mamamayan ng Davao City at Pilipinas.
Patnugot/Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Frank Liu Kai/Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas
Karagdagang 3 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating ng Pilipinas
Karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating ng Pilipinas
Tsina, magkakaloob ng 110 milyong dosis ng bakuna sa COVAX bago ang katapusan ng Oktubre
Pangako ng Tsina sa Pilipinas, natupad; 600,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating sa Manila
Unang pangkat ng libreng Sinopharm vaccines na kaloob ng Tsina sa Pilipinas, dumating