Muling ikinalat kamakailan ng ilang mataas na opisyal ng Amerika ang umano’y pagiging banta ng Tsina, at tunay na layon nitong hanapin ang katwiran para sa pagpapalawak nito ng puwersang militar, at patuloy na pagsuporta sa pagkalat ng Amerikanong hegemonismo sa daigdig.
Noong isang buwan, pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang National Defense Authorization Act sa fiscal year 2022.
Ayon sa planong ito, ipagkakaloob ang halos 770 bilyong dolyares na budyet sa Pentagon sa bagong taong piskal, at kumpara sa budyet na iniharap ng White House, tumaas ito ng 25 bilyong dolyares. Kabilang dito, 28 bilyong dolyares na budyet ay gagamitin para sa plano ng sandatang nuklear.
Bukod dito, isinasagawa ng panig Amerikano ang iba’t ibang bagong paraang militar. Ang pinaka-kapansin-pansin sa mga ito ay ang AUKUS na binubuo ng Amerika, Britanya at Australia. Nilagdaan ng nasabing tatlong panig ang kasunduan sa pagbabahagi ng teknolohiya at pagyari ng nuclear-powered submarine.
Kung sapilitang isusulong ang nasabing kasunduan, makakasira ito sa estratehikong pagkabalanse ng rehiyong Asya-Pasipiko, at magbubunsod ng maraming panganib sa rehiyon na gaya ng pagbalik ng Cold War, arms race, proliperasyong nuklear at iba pa, bagay na nagpapalala sa kalagayan ng halos lahat ng mga bansa sa Hilagang-silangang Asya at Timog-silangang Asya.
Kung ihahambing sa Amerika, ang pag-unlad ng depensa at tropa ng Tsina ay ganap na nababatay sa pangangailangan sa pagtatanggol ng soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran ng bansa. Hindi nito pinupuntirya ang anumang bansa, at hindi rin nagsasapanganib sa anumang bansa.
Koordinado sa kabuuan ang defense expenditure at pambansang kabuhayan ng Tsina, at nananatili ito sa angkop at matatag ng paglaki.
Iniharap kamakailan ng Tsina ang Global Development Initiative, at pormal na nag-aplay sa pagsapi sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP). Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, pinatutunayan nitong sa mula’t mula pa’y ang Tsina ay bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, at nangangalaga sa kaayusang pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Mac