Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).
Nitong nakalipas na 50 taon, aktibong inilahad ng PRC ang kuru-kuro, patakaran at paninindigan ng bansa sa kalagayang pandaigdig; komprehensibong nakisangkot sa mga multilateral na suliranin ng UN; at nagbigay ng sariling katalinuhan at puwersa para sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig at pagpapasulong sa komong kaunlaran.
Ika-6 na Espesyal na Pangkalahatang Asambleya ng UN.
Ang “limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan” ay limang pundamental na simulaing diplomatiko na iniharap ng pamahalaan ng PRC noong dekada 50.
Layon nitong paunlarin ang relasyon sa mga bagong-sibol na bansa, lalung-lalo na, sa mga malayang kapitbansa.
Kabilang sa mga ito ang: paggalang sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng isa’t isa, hindi paglapastangan sa isa’t-isa, hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng isa’t-isa, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan, at mapayapang pakikipamuhayan.
Bilang bukas at inklusibong simulain ng pandaigdigang batas, ipinakikita ng nasabing limang simulain ang soberanya, katarungan, demokrasya at pangangasiwa ayon sa batas.
Ang mga ito ay nagsisilbing pundamental na norma ng relasyong pandaigdig at pundamental na simulain ng pandaigdigang batas.
Ang limang ito ay hindi lamang mabisang paraan ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa, kundi nagpapatingkad din ng positibong papel para sa pagpapasulong sa pagtatatag ng mas makatarungan at makatwirang pandaigdigang kaayusang pampulitika at pang-ekonomiya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio