Inilabas ngayong araw, Miyerkules, Oktubre 27, 2021 ng Tsina ang dokumentong pinamagatang White Paper on Responding to Climate Change: China's Policies and Actions.
Bukod sa pambungad at konklusyon, apat na bahagi ang bumubuo sa white paper na kinabibilangan ng “China's New Responses to Climate Change," "Implementing a National Strategy of Actively Responding to Climate Change," "Significant Changes in China's Response to Climate Change" at "Building a Fair and Rational Global Climate Governance System for Win-Win Results.”
Ayon dito, ang aktibong pagtugon sa pagbabago ng klima ay nagsisilbing pambansang estratehiya ng Tsina, at walang patid na pinalalakas ng bansa ang kakayahan para tugunan ang pagbabago ng klima.
Para rito, pinaiiral ng Tsina ang "1+N" policy framework para sa carbon peaking at neutrality.
Ang “1” ay tumutukoy sa desisyong pumapatnubay ng pamahalaang sentral, samantalang ang“N”naman ay tumutukoy sa mga may kinalamang patakaran at alituntuning isinasagawa sa iba’t-ibang sektor at rehiyon ng bansa.
Batay rito, mananangan ang Tsina sa landas ng berdeng pag-unlad na may mababang emisyon ng carbon dioxide.
Matatandaang itinakda ng Tsina ang target na isakatuparan ang carbon dioxide emission peak bago mag-2030 at carbon neutrality bago mag-2060.
Salin: Jade
Pulido: Rhio