Li Keqiang: pagsisikap ng mga bansa upang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, dapat igalang

2021-10-28 11:25:24  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo sa Ika-16 na Summit ng Silangang Asya nitong Miyerkules, Oktubre 27, 2021, inihayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, at pagtatanggol sa kalayaan sa paglalayag at paglipad sa karagatang ito ay angkop sa komong interes ng iba’t-ibang panig.
 

Aniya, ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea ay may kinalaman sa aktuwal na kapakanan ng Tsina.

Li Keqiang: pagsisikap ng mga bansa upang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, dapat igalang_fororder_20211028LiKeqiang

Sa ilalim ng magkasamang pagpupunyagi ng Tsina at mga bansang ASEAN, nananatiling matatag sa kabuuan ang kalagayan ng karagatang ito, at hindi kailaman lumitaw ang anumang problema sa kalayaan sa paglalayag at paglipad, aniya pa.
 

Diin niya, iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at bilang signataryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa mula’t mula pa’y maayos na nakikipagtulungan ang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para solusyunan ang isyu ng nasabing karagatan, batay sa mga pandaigdigang batas, aktuwal na kalagayan ng rehiyon, at paggagalangan.
 

Saad niya, dapat igalang ang pagsisigasig ng mga bansa sa rehiyon para sa pagtatanggol ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method