Apat na tanong, iniharap ng Ministring Panlabas ng Tsina kaugnay ng aksidente ng nuclear-powered submarine ng Amerika sa South China Sea

2021-10-27 15:45:45  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkabangga kamakailan ng nucelar-powered submarine ng Amerika sa di-matukoy na bagay sa South China Sea, iniharap nitong Martes, Oktubre 26, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang sumusunod na apat na tanong: Ano ang tungkuling tinutupad ng nasabing submarine sa South China Sea? Ano ang binangga nito? Ano ang sanhi ng pagkabangga? Nagdulot ba ito ng polusyong nuklear sa kapaligirang pandagat?
 

Aniya, may karapatang humiling ng kasagutan sa panig Amerikano ang Tsina at ibang bansa sa baybayin ng South China Sea hinggil sa usaping ito.
 

Mayroon ding responsibilidad at obligasyon ang panig Amerikano na detalyadong ipaliwanag ang mga kaukulang kalagayan ng insidenteng ito, at bigyang-tugon ang pagkabahala at duda ng mga bansa sa rehiyon at komunidad ng daigdig, dagdag ni Zhao.
 

Tinukoy niyang nitong nakalipas na mahabang panahon, sa katuwiran ng “kalayaan sa paglalayag,” ginugulo ng panig Amerikano ang situwasyon sa South China Sea, bagay na malubhang nagsasapanganib sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
 

Dapat itigil ng panig Amerikano ang nabanggit na maling aksyon, at patingkarin ang positibong papel para sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, ani Zhao.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method