Paninindigan ng Tsina sa SCS, di-nagbabago; pagsisikap para sa mainam na kalutasan, patuloy

2021-10-22 11:19:41  CMG
Share with:

Ipinahayag ng Tsina na di-nagbabago at malinaw ang paninindigan nito sa isyu ng South China Sea (SCS). Lehitimo at makatwiran ang mga aktibidad na ginagawa ng mga awtoridad ng pagpapatupad sa batas ng bansa sa katubigan, alinsunod sa mga batas na panloob at pandaigdig na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

 

Winika ito ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Oktubre 21, 2021,  bilang reaksyon sa pinakahuling protesta ng Kagawaran ng  Ugnayang Panlabas (DFA) ng Pilipinas sa di-umano’y probokatibong aksyon ng mga sasakyang pandagat ng Tsina.

 

Matatandaang upang maayos na malutas ang isyu ng SCS, maraming hakbangin ang ginagawa ng Tsina’t Pilipinas.

 

Halimbawa, noong Mayo 21, 2021, idinaos ng Tsina’t Pilipinas ang Ika-6 na Pulong ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM) hinggil sa South China Sea. Lumahok sa naturang pulong ang mga kinatawan ng dalawang bansa mula sa mga kagawaran ng ugnayang panlabas, tanggulang-bansa, likas na yaman, kapaligirang ekolohikal, transportasyon, agrikultura, enerhiya at coast guard. Malalimang pinag-usapan nila ang hinggil sa pagtutulungang pandagat, langis at natural gas, pangingisda, pangangalaga sa kapaligiran, paghahanap at pagliligtas, siyentipikong pananaliksik na pandagat, at iba pa.

 

Sa ilalim ng BCM, may tatlong working group na kinabibilangan ng grupo ng suliraning pampulitika at panseguridad, suliranin ng pangangaisda, at siyentipikong pananaliksik at pangangalaga sa kapaligiran sa karagatan.

 

Salin/Patnugot: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method