Binigyang-diin kahapon, Oktubre 29, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na buong tatag na tutupdin ng kanyang bansa ang pangako para sa berde at low-carbon na pag-unlad.
Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya.
Ipinahayag din ni Xi ang suporta sa pagtataguyod ng Britanya ng Ika-26 na United Nations (UN) Climate Change Conference of the Parties (COP26) sa Glasgow, mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 12.
Umaasa aniya siyang ang pulong na ito ay makakatulong sa paggigiit sa prinsipyo ng "komon pero magkakaibang responsibilidad," at pagpapasulong ng mga aktuwal na aksyon ng iba't ibang bansa sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Sinabi naman ni Johnson, na pananatilihin ng Britanya, kasama ng Tsina, ang mahigpit na pag-uugnayan sa pagharap sa pagbabago ng klima at pangangalaga sa bio-dibersidad.
Tinalakay din ng dalawang lider ang relasyon at kooperasyong Sino-Britaniko sa iba't ibang aspekto, magkakasamang paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagtataguyod ng multilateralismo, at iba pa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos