Online na petisyon para sa obdyektibong pananaw sa Tsina, inilunsad ng kilalang manunulat na Pranses

2021-11-04 16:10:44  CMG
Share with:

Isang petisyon ang inilunsad nitong Martes, Nobyembre 2, 2021 ni Maxime Vivas, manunulat at mamamahayag ng Pransya, sa pinakamalaking petition platform sa daigdig na change.org, bilang pagsusulong sa pagkakaroon ng obdiyektibong pananaw sa Tsina ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.
 

Kaugnay nito, ibinahagi niya ang mga insulto at atake sa kanya dahil sa obdyektibong pagtasa sa Tsina nitong nakalipas na ilang taon.
 

“May karapatan tayong magpahayag ng magkakaibang palagay sa Tsina,” saad niya.

Online na petisyon para sa obdyektibong pananaw sa Tsina, inilunsad ng kilalang manunulat na Pranses_fororder_20211104Vivas

Dalawang beses na bumisita sa Xinjiang si Vivas, at inilathala ang aklat na pinangalanang “Uygurs, to put an end to the fake news” noong Disyembre ng 2020.
 

Sa nasabing aklat, ibinunyag niya ang katotohanan hinggil sa kung paano niluto at pinalaganap ng National Endowment for Democracy (NED) ng Amerika, World Uyghur Congress (WUC) at Human Rights Watch (HRW) ang mga tsismis hinggil sa Xinjiang na gaya ng umano’y “genocide” at “pagbilanggo sa milyung-milyong Uyghur.”
 

Sa kasalukuyan, mahigit 150 personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo ng daigdig na kinabibilangan ng mga mamamahayag, dating ambahador, TV host at iba pa ang lumagda na sa nasabing petisyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method