Xi Jinping, bumoto sa lokal na halalang lehislatibo

2021-11-06 12:38:49  CMG
Share with:

Xi Jinping, bumoto sa lokal na halalang lehislatibo_fororder_7c2e9c75d40c4eb9bbb26cb98ba92a97

 

Sinabi kahapon, Nobyembre 5, 2021, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang mga halalan ng mga deputado sa mga kongresong bayan ay mahalagang pagpapakitang ang mga mamamayan ang may hawak ng kapangyarihan sa bansa.

 

Winika ito ni Xi, pagkaraang bumoto siya sa halalan ng mga mambabatas para sa lokal na kongresong bayan sa kanyang distrito.

 

Binigyang-diin din niyang, dapat igarantiya ang pag-uugnayan ng demokratikong halalan, konsultasyon, paggawa ng mga desisyon, at pamamahala, at tuluy-tuloy na palakasin ang buong proseso ng demokrasya ng sambayanan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method