Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman

2021-11-08 14:28:49  CMG
Share with:

May pangkaraniwang taas na 4,500 metro mula sa lebel ng dagat, ang Tibet ay isang rehiyong awtonomo ng bansang Tsina, na may kabuuang lawak na 1,221,600 kilometro kuwadrado.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet2600

Ang Potala Palace sa Lhasa

Ito ang siyang tahanan ng mga Tsinong nabibilang sa lahing Zang o Tibetano at kanlungan ng bundok Qomolongma, o mas kilala sa pangalang Bundok Everest, pinakamataas na bundok sa buong daigdig.

Kamakailan ay pinalad po akong makadalaw sa mala-engkantadyang rehiyong ito, at nakasalamuha ang mababait at marahan nitong mamamayan.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet8600

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet7600

Sa Grassland of Heaven sa Lhasa

Natagpuan ko rito ang mga kamangha-manghang bulubunduking tanawin, asul na kalangitan, dalisay na lawa at ilog, madyestikong mga Yak (isang uri ng baka na sa Tibet lamang matatagpuan), makukulay na kasuotan, pambihirang sinaunang mga gusali at templo, walang katulad na kultura, napakasasarap na pagkain at marami pang iba.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet5600

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet6600

Sa bayang Dezhong

At dahil sa taglay na kamangha-manghang ganda at karikitan, ang Tibet ay tinagurian bilang “Third Pole” kasunod ng North Pole at South Pole.

Ako po si Rhio Zablan, Pilipinong mamamahayag ng China Media Group – Filipino Service (CMG-FS), at ito ang aking personal na tala ng pagpunta sa “Bubong ng Mundo” – Tibet ng Tsina.

“Apat na Una” sa Ugnayang Pilipino-Sino, natupad sa aking sa pagdalaw sa Tibet

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet18600

Paglapag pa lang ng eroplanong aking sinasakyan sa paliparan ng Lhasa, dama ko na agad ang pananabik upang makalabas at masilayan ang maliwanag na atmospera ng lunsod.

Noon pa lang ay naramdaman ko nang maraming mahahalagang kaganapan ang nakatakdang maganap, at hindi ako nagkamali.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet17600

Matapos ang mga isang oras na biyahe sa kalsada, natagpuan ko ang aking sarili sa otel, kasama ang iba pang mamamahayag ng CMG sa isang panalubong na hapunang inihanda ng lokal na pamahalaan.

Mainit na pagtanggap ang agarang ipinaramdam ng pamahalaang Tibetano sa delegasyon ng CMG, at dahil dito lalo akong nanabik sa mga susunod na pangyayari.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet16600

Oxygen bar sa otel

Sa unang tatlong araw ko sa Tibet, naging mahirap ang normal na paggalaw dahil sa kakulangan ng oksihena sa hangin, kaya kailangang magdahan-dahan sa lahat ng ginagawa upang hindi mahapo at tumaas ang pintig ng puso.

Isang paalala sa mga nagnanais magtungo sa Tibet, kumunsulta muna sa inyong doktor bago magpunta roon upang makaiwas sa anumang aberya.

Pero, magkagayunman, tuloy ang aming mga aktibidad.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet4600 Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet3600 

Sa ibaba ng Potala Palace

Sa halos lahat ng lokasyon na aming pinuntahan, nagsagawa ako ng livestream sa opisyal na facebook fanpage ng CMG-FS upang maihatid sa mga tagatangkilik ang mga pinakahuli, makasaysayan, at napakagandang mga pangyayari sa aming biyahe sa Tibet.

Hindi ko na po idedetalye rito ang nilalaman ng mga livestream na iyon, at sa halip ay ilalakip ko na lamang sa bandang hulihan ng artikulong ito ang mga link upang inyong mapanood.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet11600

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet12600

Nagtuturo si Rhio ng Arnis sa mga estudyante

Isa sa pinakamahalagang layon ng aking pagpunta sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet ay paglahok sa dokumentaryo ng CMG hinggil sa pagbabahagi ng kultura, wikang Pilipino, at Arnis o Eskrima (pambansang sining ng pagtatanggol, pambansang laro at isa sa pinakamahalagang pamanang kultural ng Pilipinas sa mundo) sa mga estudyante ng Lhasa-Beijing Experimental Middle School sa lunsod ng Lhasa.

Sa video sa gawing itaas ng webpage na ito, mapapanood ninyo ang aking pagbabahagi ng Arnis sa mga mag-aaral at pakikipagkuwentuhan sa kanila.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet10600

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet9600

Sa loob ng Lhasa-Beijing Experimental Middle School

Bukod diyan, nagkaroon ako ng pagkakataon na tuklasin ang mga kamangha-manghang tanawin, pakinggan ang magagandang himig, at tikman ang masasarap na putahe ng Tibet.

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet14600

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet13600

Bubong ng daigdig, aking nilakbay: pambihirang karanasan, natamo at naramdaman_fororder_20211108Tibet15600

Sa Nyêmo county ng Lhasa

Sa biyaheng ito, nabuksan ang aking mga mata at mas malalim kong naunawaan ang ibat-ibang bagay hinggil sa kasaysayan, pamumuhay, at kulturang Tibetano.

Higit sa lahat, sa personal na kapasidad, naisakatuparan ko ang “apat na una” sa kasaysayan ng Ugnayang Pilipino-Sino.

Ang relasyon ng mga Pilipino at Tsino ay may mahigit isang libong taong kasaysayan, at ang apat na sumusunod ay kauna-unahang naisakatuparan sa kakatapos kong biyahe sa Tibet:

1. Naipahayag ang mabuting hangarin ng mga Pilipino sa mga Tibetano sa pamamagitan ng pagsulat ng katagang "Mabuhay," sa tradisyunal na Papel ng Tibet;

2. Sa pamamagitan ng demonstrasyon, naipamalas sa mga mamamayan ng Nyemo County ang Arnis o Eskrima;

3. Naituro at naibahagi ang kaalaman sa Arnis o Eskrima sa mga mag-aaral ng Lhasa-Beijing Experimental Middle School;

4. Naituro ang ilang salita ng wikang Filipino na tulad ng Mabuhay, Mahal Kita, Paalam, etc. sa naturang mga estudyante; at sa katulad na paraan, natutunan ko rin mula sa kanila ang ilang salitang Tibetanong katumbas ng mga salitang Filipino na natutunan nila mula sa akin.

Sa aking pakikipag-usap sa mga mag-aaral, nalaman ko ang kanilang mga aspirasyon sa buhay, saloobin at pangarap.

Dahil dito, ako ay biglang napaluha, dahil kahit sa kanilang murang edad, batid na nila ang walang kapantay na kahalagahan ng pagtitiyaga at matalinong pagpupunyagi upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sa aking isip, ito ang mismong dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang bansang Tsina – hindi nila kinakalimutan ang diwa ng tiyaga, pagsisikap, pag-aaral, at matalinong paggawa ng mga bagay-bagay.

Sa palagay ko, hindi masama kung pag-aaralan nating mga Pilipino ang esensya ng diwang ito.

Sa aking pagdalaw sa Tibet, naniniwala akong ang mga binhi ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino, Tibetano at buong Nasyong Tsino sa pangkalahatan, ay maiging naipunla.

Ako ay umaasa, na sa pamamagitan ng magkasamang pagpupunyagi at pagkakapit-bisig ng Pilipinas at Tsina, ang mga binhing ito ay uusbong, lalago, at magiging napakatatag na mga puno na magiging haligi ng mas pinagtibay at pinag-ibayong pinagbabahaginang kinabukasang pangkultura ng Pilipinas at Tsina.

FB livestream link tungkol sa biyahe sa Tibet:

https://fb.watch/6rDWmk5wX1/

https://fb.watch/6rDZHRu221/

https://fb.watch/6rD_yPo5lJ/

https://fb.watch/6rD-ono47T/

https://fb.watch/6rE0A-Agkt/

https://fb.watch/6rE1ZZlSCv/

https://fb.watch/6rE2VOI8XH/

https://fb.watch/6rE3Exmv0E/

https://fb.watch/6rE4p5Yil0/

https://fb.watch/6rE5lOYR6_/

https://fb.watch/6rE69j6z7w/

https://fb.watch/6rE79mkVQG/

https://fb.watch/6rE86DqvlD/

https://fb.watch/6rE9BD8k4x/

https://fb.watch/6rEauK7SVU/


Ulat: Rhio
Editor: Jade
Photo: Lito

Please select the login method