Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas

2021-11-10 10:15:33  CMG
Share with:

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110Shi1600

Noong Nobyembre 10, 2001, dumalo si Shi Guangsheng, Ministro ng Kalakalang Panlabas ng Tsina, sa Ika-4 na Pulong na Ministeriyal ng WTO na idinaos sa Doha, Qatar.

Sa Ika-4 na Pulong na Ministeriyal ng World Trade Organization (WTO) na idinaos sa Doha, Qatar noong Nobyembre 10, 2001, pinagtibay ang dokumentong pambatas tungkol sa pagsapi ng Tsina sa organisasyong ito.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110Shi4600

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110Shi3600

Noong Nobyembre 11, 2001, sa Doha, kabisera ng Qatar, lumagda sa kasunduan ng pagsapi ng Tsina sa WTO si Shi Guangsheng, Ministro ng Kalakalang Panlabas ng Tsina.

Ito ang palatandaang matapos ang 15 taon ng napakalaking pagsisikap, naging bagong miyembro ng WTO ang Tsina, at pumasok sa isang bagong yugto ang usapin ng pagbubukas ng Tsina sa labas.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110Shi5600

Noong Nobyembre 14, 2001, ipininid sa Doha ang WTO Conference.

Noong Disyembre 11, 2001, pormal na sumapi ang Tsina sa WTO na naging ika-143 miyembro nito.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110Shi2600

Noong Nobyembre 10, 2001, sa kaukulang pulong tungkol sa pagsapi ng Tsina sa WTO sa Doha, Qatar, kumuha ng litrato ang isang kinatawang Tsino. Pinagtibay nang araw ring iyon ng Ika-4 na Pulong na Ministeriyal ng WTO ang dokumentong pambatas tungkol sa pagsapi ng Tsina sa organisasyong ito.

Ang pagsapi sa WTO ay lubos na nagpakita ng positibong atityud ng Tsina sa pagtugma sa tunguhin ng globalisasyong pangkabuhayan at aktibong pakikilahok sa pandaigdigang kompetisyon at kooperasyon. May makasaysayang kahulugan ang pagsapi ng Tsina sa WTO hindi lamang sa proseso ng pagbubukas sa labas, kundi maging sa proseso ng globalisasyon ng kabuhayang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110XiCIIE600

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-4 na China International Import Expo (CIIE) noong Nobyembre 4, 2021, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa WTO.

Sinabi ni Xi na nitong 20 taong nakalipas, mabilis na umunlad ang kabuhayang Tsino, at malinaw na bumuti ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan. Bukod dito, malalimang nakisangkot ang Tsina sa buong daigdig at naisakatuparan ang komong kaunlaran.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_202111104CIIE600

Dagdag pa niya, sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO, walang patid na pinalalawak ng Tsina ang pagbubukas sa labas, bagay na pinasisigla hindi lamang ang kaunlaran ng Tsina, kundi ang kabuhayang pandaigdig.

Nitong 20 taong nakalipas sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO, palaging iginigiit ng Tsina ang pagsasama ng pagtatamasa ng karapatan at pagpapatupad ng obligasyon, at pagsasakatuparan ng sariling pag-unlad at pagpapasulong ng komong kaunlaran ng daigdig. Noong taong 2010, ganap na natupad ng Tsina ang mga pangako nito sa pagsapi sa WTO, at nakapagbigay ng namumukod na ambag sa maraming aspekto.

Kaugnay nito, binigyan ng lubos na papuri ng maraming eksperto at opisyal na kinabibilangan ni Pascal Lamy, dating Direktor-Heneral ng WTO, ang mga ibinigay na ambag ng Tsina sa WTO.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110ginhawakalakalan600

Sa aspekto ng pagpapaginhawa ng kalakalan, palagiang iginigiit ng Tsina ang bukas na atityud para tanggapin ang paglahok ng mas maraming de-kalidad na produkto at serbisyong pandaigdig sa merkadong Tsino. Sa kasalukuyan, bumaba sa mas mababa sa 7.5% ang kabuuang lebel ng taripa ng Tsina mula 15.3% bago ang kanyang pagsapi sa WTO. Ito ay mas mababa kaysa lebel ng nakakaraming umuunlad na bansa, at malapit sa lebel ng pagbubukas ng mga maunlad na bansa at merkado sa labas.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110unangCIIE600

Bukod dito, ang Tsina ay unang bansang nagtataguyod ng import-themed expo sa antas na estado. Sa kabila ng grabeng kalagayan ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) noong isang taon, hindi sinuspendi ang CIIE, bagay na nagpapakita ng matapat na mithiin ng Tsina sa pagbabahagi ng pagkakataon ng pamilihan sa daigdig at pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110marketaccess600

Sa aspekto ng market access, patuloy na binabawasan ng Tsina ang negatibong listahan ng pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan, at komprehensibong isinasagawa ang pantay na pakikitungo.

Sa kasalukuyan, nabuksan na ng Tsina ang mahigit 120 departamento na hindi lamang lubos na nalalampasan ang nagawa nitong pangako ng pagbubukas ng 100 departamento, kundi nalalampasan din ang 108 departamento na karaniwang ipinangako ng mga maunlad na bansa.

Samantala, unti-unting lumalaki ang halaga ng naaakit na pondong dayuhan ng Tsina. Sa kabila ng grabeng pandemiya ng COVID-19 noong isang taon, aktuwal na nagamit ng Tsina ang mahigit 999.9 bilyong yuan RMB na pondong dayuhan. Ito ay mas malaki ng 6.2% at naging pinakamalaking bansang pinapasok ng mga pondong dayuhan ang Tsina.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110kapaligirannegosyo600

Sa aspekto ng kapaligirang pangnegosyo, ihinahambing ng Tsina ang sulong na lebel sa daigdig. Hanggang sa ngayon, inakto na ng Tsina ang mahigit 130 kaukulang hakbangin ng reporma, bagay na ibayo pang nakakapagpalakas sa pandaigdigang kakayahang kompetitibo ng kapaligirang pangnegosyo ng Tsina.

Bukod pa riyan, kasunod ng pagsasagawa ng “Regulasyon ng Pagpapabuti ng Kapaligirang Pangnegosyo” noong unang araw ng Enero ng nagdaang taon, kahit anong rehistradong bahay-kalakal sa Tsina, sy pantay na pinakikitunguhin at pinuproteksyunan ng kompletong sistemang pambatas.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110BRI600

Sa aspekto ng konstruksyon ng sistema, sa pangmalayuang panahon, puspusang isinusulong ng Tsina ang inobasyon ng modelo ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan, at pinabubuti ang estruktura ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig.

Palagiang napapatingkad ng Tsina ang mahalagang papel sa mga mekanismo ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig na gaya ng G20 Summit at Kasunduan ng Pagsasaginhawa ng Kalakalan ng WTO.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110AIIB600

Ang “Belt and Road” Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na itinaguyod ng Tsina ay nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa pagpapalalim ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, partikular na sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na bansa.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110RCEP600

Bukod pa riyan, ng harapin  ng buong mundo ang krisis ng pandemiya ng COVID-19, pagsadlak ng kabuhayang pandaigdig sa resesyon, pagsisidhi ng unilateralismo at proteksyonismo sa daigdig, nilagdaan ng Tsina, kasama ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Hapon, Timog Korea, Australia, at New Zealand ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na sumagisag ng pagbuo ng pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa buong daigdig na pawang katumbas ng halos 30% ng daigdig ang kanilang populasyon, Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP), at kabuuang halaga ng kanilang pagluluwas.

Ang nasabing mga nagawang hakbangin ay tiyak na makakapagpasigla sa pag-unlad ng reporma ng WTO at regulasyon ng multilateral na kalakalan, at makakapagpatingkad ng positibo at pangmalayuang impluwensiya.

Ngayong araw sa kasaysayan: Pagsapi ng Tsina sa WTO, pumasok sa bagong yugto ang pagbubukas ng Tsina sa labas_fororder_20211110ambagsadaigdig600

Sa aspekto ng ibinibigay na ambag sa buong mundo, nitong 20 taong nakalipas, umabot sa halos 30% ang average contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Lalong lalo na noong isang taon, ang Tsina ay nagsilbi tanging bansang nagsakatuparan ng paglaki ng kabuhayan sa mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, bagay na nagsilbing pinakamahalagang puwersang tagapagpasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

Sa kasalukuyan, aktibong itinatayo ng Tsina ang bagong kayariang pangkaunlaran. Patuloy na makakapagbigay ang Tsina ng mas malaking ambag para sa pagtatayo ng bukas na kabuhayang pandaigdig, ipagkakaloob ang mas maraming “puwersang Tsino” sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, ibabahagi ang mas maraming “pagkakataong Tsino” sa iba’t-ibang bansa sa daigdig, at mabibigyan ng mas maraming “China bonus” ang mga mamamayan ng buong daigdig.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method