Pantay na pakikitungo sa iba’t-ibang uri ng market entity at pagbuo ng bukas na sistema ng merkado, isusulong ng Tsina

2021-11-11 12:00:56  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa pamamagitan ng video link, ipinagdiinan Huwebes, Nobyembre 11, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na buong tatag na pasusulungin ng bansa ang reporma at pagbubukas, at ibibigay ang lakas-panulak para sa pag-unlad ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko.
 

Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, kumakalat pa rin sa buong mundo ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at napakahirap ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Kaya dapat aniyang isabalikat ng rehiyong Asya-Pasipiko ang pananagutan ng panahon, patingkarin ang namumunong papel, at umabante tungo sa target ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Asya-Pasipiko.

Pantay na pakikitungo sa iba’t-ibang uri ng market entity at pagbuo ng bukas na sistema ng merkado, isusulong ng Tsina_fororder_20211111APEC

Para rito, iminungkahi ni Xi na puspusang pagtagumpayan ang pandemiya, habang iginigiit ang pagbubukas at pagtutulungan; pasulungin ang berdeng transpormasyon; at aktibong pasiglahin ang inobasyon.
 

Saad ni Xi, nagpupunyagi ang Tsina para mapasulong ang pagbuo ng sistema ng merkado sa mataas na pamantayan, mapabilis ang pagtatamo ng reporma sa mga mahalagang larangan at masusing bahagi ng bagong progreso, at tuluy-tuloy na mapabuti ang kapaligirang pangnegosyo.
 

Pantay-pantay na pakikitunguhan ng Tsina ang iba’t-ibang uri ng entidad ng merkado, at lilikhain ang bukas na sistema ng merkado na may maayos na kompetisyon, dagdag niya.
 

Diin ni Xi, pasusulungin ng bansa ang komprehensibong berdeng transpormasyon, at gagawin ang ambag para sa konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng Asya-Pasipiko at buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method