Pangulong Tsino, magtatalumpati sa APEC Summit at APEC CEO Summit

2021-11-10 16:18:02  CMG
Share with:

Pangulong Tsino, magtatalumpati sa APEC Summit at APEC CEO Summit_fororder_VCG211259775592

 

Sa paanyaya ni Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand, lalahok at magtatalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-28 Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), sa pamamagitan ng video link, Biyernes, Nobyembre 12, 2021.

 

Bago ito, dadalo at bibigkas din ng talumpati si Xi sa APEC CEO Summit, sa pamamagitan ng prerecorded video, Huwebes, Nobyembre 11, 2021.

 

Ito ang ipinahayag ngayong araw, Nobyembre 10, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina..

 

Idinaraos mula Nobyembre 8 hanggang Nobyembre 12 ang APEC LeadersWeek. Sa taong 2021, ang New Zealand ay bansang tagapangulo ng 21 miyembrong APEC.

 

Ang Pilipinas ay bansang kasapi ng APEC.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio 

Please select the login method