Global Action Initiative 2021 hinggil sa pagbabago ng klima, inilunsad ng CMG

2021-11-03 16:05:30  CMG
Share with:

Pormal na inilunsad nitong Martes, Nobyembre 2, 2021 ng China Media Group (CMG) ang "Global Action Initiative 2021" hinggil sa pagbabago ng klima.
 

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng paglulunsad, inihayag ni Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng CMG, na ang Tsina ay mahalagang tagapag-ambag at aktibong tagapagpatupad ng Paris Agreement.
 

Nanawagan siya sa mga media na isabalikat ang responsibilidad sa pandaigdigang kampanya ng klima, mas bigyang pansin at pataasin ang kaalaman ng publiko sa sibilisasyong ekolohikal, at likhain ang kapaligiran ng opinyong publiko na nakapokus sa pandaigdigang pragmatikong aksyon ng klima.
 

Sa kanya namang talumpati, sinagot ni Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika, ang mga tanong ng mga kabataang Tsino’t Amerikano hinggil sa responsibilidad ng iba’t ibang bansa at kooperasyong pandaigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima.
 

Tatagal ng 5 araw ang nasabing aktibidad.
 

Kasali sa pagtalakay ang mga mataas na opisyal ng maraming bansang gaya ng Sierra Leone at Iceland, at mga mataas na opisyal ng mga organisasyong pandaigdig na gaya ng International Monetary Fund, World Bank, at United Nations.
 

Para sa live streaming ng nasabing programa, paki-klick po ang link na https://www.cgtn.com/tv.
 

Susubaybayan ang https://america.cgtn.com/gai/gai.html para malaman ang mas maraming nilalaman ng Global Action Initiative 2021.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method