CMG Komentaryo: Tsina, patuloy na magpapasulong ng Asya-Pasipiko sa pag-unlad

2021-11-12 11:49:41  CMG
Share with:

“Kahit paano magbabago ang pandaigdig na kalagayan, hindi magbabago ang bentahe ng Asya-Pasipiko na kayang madaling mapanumbalik ang kabuhayan at malakas ang lakas-patulak. Kailangan tayong tumanaw sa hinaharap at walang humpay na sumulong. ”

 

Ito ang inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa APEC CEO Summit, nitong Huwebes, Nobyembre 11, 2021.

 

CMG Komentaryo: Tsina, patuloy na magpapasulong ng Asya-Pasipiko sa pag-unlad_fororder_APEC

 

Sapul noong 2013, sa kanyang talumpati sa iba’t ibang okasyon, iniharap ni Xi ang mga mungkahi ng Tsina para sa pag-unlad ng APEC.

 

Sa kasalukuyan, kinakaharap ng rehiyong Asya-Pasipiko ang mga bagong pagkakataon at hamon. Sa isang banda, ang kabuhayan ng rehiyon ay nangunguna sa muling paglago sa daigdig sa gitna ng pandemiya ng COVID-19. Sa kabilang banda, batay sa mentalidad ng Cold War at upang protektahan ang hegemonya, bumuo ang Estados Unidos ng mga grupong pulitikal na gaya ng QUAD at AUKUS, bagay na nagdudulot ng banta sa katatagan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko.

 

Kaugnay nito, palagay at panawagan ni Xi,“Ang rehiyong Asya-Pasipiko ay hindi maaari at hindi dapat umatras sa komprontasyon at pagkakahiwa-hiwalay noong panahon ng Cold War.”

 

Inihain ni Xi ang apat na mungkahi sa mga kasapi ng APEC para mapasigla ang kaunlaran, maprotektahan ang kaayusan ng rehiyon  at maitatag ang komunidad ng Asya-Pasipiko na may pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Kabilang sa naturang mga mungkahi ang puspusang pakikibaka laban sa COVID-19, pananangan sa pagbubukas at kooperasyon, pagpapasulong ng berdeng pag-unlad, at pagtutulak ng inobasyon.

 

Ngayong taon ay ika-30 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa APEC. Nitong tatlong dekadang nakalipas, kinakakitaan ng APEC ang walang patid na pagbubukas sa labas ng Tsina sa pamamagitan ng taunang China International Import Expo (CIIE), pagpatibay sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at iba pa, para makilahok at magpasulong sa pag-unlad ng rehiyon.

 

CMG Komentaryo: Tsina, patuloy na magpapasulong ng Asya-Pasipiko sa pag-unlad_fororder_微信截图_20211112110816

 

Laging iginigiit ng Tsina ang prinsipyong “pagpapauna ng interes ng mga tao.”  Alinsunod dito, ang lahat ng pagsisikap at panawagan ng Tsina, kasama ng mga miyembro ng APEC ay para lamang sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method