Pinanguluhan nitong Miyerkules, Nobyembre 10, 2021 ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika ang Virtual Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) Ministerial na nilahukan ng mga ministrong panlabas ng maraming bansa at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa patas na distribusyon ng bakuna, pandaigdigang seguridad na pangkalusugan at iba pang isyu.
Bilang kinatawan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, dumalo at nagtalumpati sa pulong si Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika.
Isinalaysay ni Qin na ipinagkaloob na ng Tsina ang 1.7 bilyong dosis ng bakuna at mga concentrate sa mahigit 100 bansa, at tinatayang lalampas sa 2 bilyon ang nasabing datos sa buong taong ito.
Dagdag niya, isinuplay rin ng Tsina ang mahigit 70 milyong dosis ng bakuna sa COVAX, at nagkaloob ng $USD 100 milyon bilang donasyon.
Maliban dito, buong tatag na sinusuportahan ng Tsina ang paglaban ng mga umuunlad na bansa sa pandemiya, at ipinagkakaloob ang maraming materyal na medikal, aniya pa.
Diin ni Qin, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay pinakamapangyarihang sandata sa paglaban sa pandemiya.
Dapat aniyang isagawa ng iba’t-ibang bansa ang siyentipikong atityud, at tutulan ang istigmatisasyon at pagsasapulitika ng isyung ito.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Pangulong Tsino: Ang relasyong Sino-Amerikano ay nasa masusing yugtong pangkasaysayan
Bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating ng Rwanda
Pagpapasulong ng pantay na pagbabahaginan, ipinanawagan ng mga lider ng mga bansa
Makatarungang pamamahagi ng bakuna ng COVID-19, ipinanawagan ni Antonio Guterres