Bagong pangkat ng bakuna kontra COVID-19, ibinigay ng Tsina sa Syria

2021-11-15 16:03:46  CMG
Share with:

Isinalin nitong Linggo, Nobyembre 14, 2021 sa Syria ang bagong pangkat ng 500,000 dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na ibinigay ng Tsina.
 

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsalin, inihayag ni Feng Biao, Embahador ng Tsina sa Syria, ang pag-asa ng panig Tsino na sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bakuna, tutulungan ang Syria na pagtagumpayan ang pandemiya sa lalong madaling panahon.
 

Aniya, patuloy na ipagkakaloob ng Tsina ang tulong ng bakuna sa panig Syrian.
 

Pinasalamatan naman ni Hasan al-Ghabash, Ministro ng Kalusugan ng Syria, ang ibinibigay na tulong ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino.
 

Saad niya, may mahalagang katuturan ang bagong pangkat ng donasyon ng Tsina sa kasalukuyang kalagayan ng pandemiya.
 

Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng COVID-19, maraming beses na ipinagkaloob ng Tsina ang mga materyal, bakuna at pasilidad na medikal sa Syria.
 

Salin: Vera

Please select the login method