Speed Skating: Isports na maaring isagawa sa bilis na 93 km/h

2021-11-16 10:47:00  CMG
Share with:

Speed Skating: Isports na maaring isagawa sa bilis na 93 km/h_fororder_20211115skate1600

Pagkatapos ng 2014 Sochi Winter Olympics Games, inilarawan ng National Geographic ang Speed Skating bilang pinakamabilis na larong batay lamang sa inertia.

Nagmula ang Speed Skating sa Netherlands.  At ang unang opisyal na speed skating event ay ginanap noong 1863 sa Oslo, Norway. Unang nilaro ang Speed skating noong 1924 sa Olympic Winter Games in Chamonix. Sa mga Winter Olympics events, mayroon itong pinakamahabang kasaysayan at pinakamalawak na pagsasagawa.

Speed Skating: Isports na maaring isagawa sa bilis na 93 km/h_fororder_20211115skatevenue600

National Speed Skating Oval, pagdarausan ng Speed Skating sa Beijing Winter Olympic Games

Gaganapin sa National Speed Skating Oval ang larong Speed Skating ng Beijing Winter Olympics kung saan mapapanalunan ang 14 na medalyang ginto.

Speed Skating: Isports na maaring isagawa sa bilis na 93 km/h_fororder_20211115WCPoland600

Speed Skating: Isports na maaring isagawa sa bilis na 93 km/h_fororder_20211115WCPoland2600

Kompetisyon ng ISU Speed Skating World Cup sa Tomaszow Mazowiecki, Poland noong Nobyembre 14, 2021

Sa napakabilis na pag-isketing, mahigit 60 kilometro kada oras ang bilis ng Speed Skating athlete. Kung babalewalahin ang air resistance, gaano kabilis ang maximum speed ng Speed Skating?

Noong Marso ng 2018, ipinasiya ng isang atleta ng Netherlands na si Kjeld Nuis, siya rin ay kampeon ng Speed Skating 1,000m at 1,500m race, na lumikha ng isang di-opisyal na skating world record.

Sa tulong mula sa sinaliksik niyang porma upang iwasan ang outside forces o puwersang panlabas, matagumpay niyang naisakatuparan ang pag-isketing sa bilis na 93 kilometro tuwing oras sa isang straight track na may habang 1,500 metro sa Sweden.

Speed Skating: Isports na maaring isagawa sa bilis na 93 km/h_fororder_20211115KjeldNuis600

Si Kjeld Nuis habang lumalahok sa paligsahan ng Speed Skating 1,000m ng 2018 Pyeongchang Winter Olympics.


Salin: Lito
Pulido: Mac
 

 

Please select the login method