Paghahanap ng iba’t ibang panig ng Myanmar ng solusyong pulitikal sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon, kinakatigan ng Tsina

2021-11-17 16:25:17  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, nakipagtagpo kamakailan si Min Aung Hlaing, Tagapangulo ng State Administration Council at Punong Ministro ng Myanmar, kay Sun Guoxiang, Espesyal na Sugo para sa mga Suliranin ng Asya ng Ministring Panlabas ng Tsina. Nagpalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro hinggil sa pagpapatupad ng limang komong palagay, relasyon ng Myanmar at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), relasyon ng ASEAN at Tsina at iba pang isyu.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Martes, Nobyembre 16, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng naturang ministri na ang Tsina ay mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar, at sinusuportahan nito ang paghahanap ng iba’t ibang panig ng Myanmar ng solusyong pulitikal sa lalong madaling panahon, sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon sa ilalim ng balangkas ng konstitusyon at batas.
 

Aniya, patitingkarin ng Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, ang konstruktibong papel, para sa pagpapanumbalik ng Myanmar ng katatagan ng estado at lipunan, at pagsisimulang muli ng proseso ng pagbabago ng demokrasya sa loob ng bansa.
 

Saad ni Zhao, hinahangaan ng panig Tsino ang aktibong pagpapatupad ng Myanmar ng tungkulin bilang bansang tagapagkoordina ng relasyong Sino-ASEAN, at pagpapasulong sa kooperasyon ng magkabilang panig sa iba’t ibang larangan.
 

Magpupunyagi ang panig Tsino, kasama ng Myanmar, upang mapasulong ang pagtamo ng relasyon ng Tsina at ASEAN ng mas malaking pag-unlad, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method