CMG Komentaryo: Mga kasinungalingan hinggil sa Xinjiang na niluto ng mga bansang kanluranin, binasag ng katotohanan

2021-11-18 15:55:02  CMG
Share with:

“Bumisita ako sa maraming kumpanya sa Xinjiang, tumikim ng karne ng tupa, prutas, sariwang gulay at masarap na naan. Personal na nakita ko para maniwala ako sa masaganang pag-unlad ng Xinjiang.”
 

Winika ito ni Gustavo Sabino Vaca Narvaja, Embahador ng Argentina sa Tsina, sa kapipinid na 2021 China Xinjiang Development Forum.
 

Batay sa sariling karanasan, tinukoy niyang may masusing papel ang Xinjiang sa konstruksyon ng Belt and Road. Panawagan niyang bisitahin din ng iba ang Xinjiang para malaman ang katotohanan.
 

Ang Xinjiang ay nasa sentro ng Eurasia na nagpapatingkad sa mahalagang papel ng pagpapalitan at pagpapalagayan ng kultura sa pagitan ng silangan at kanluran sa kasaysayan.
 

Sa ngayo’y nagsisilbing mahalagang tsanel ang Xinjiang para sa pagpapalitan at pagpapalagayan ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at ito rin ay mahalagang parte ng pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas.
 

Ayon sa estadistika, noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumampas sa 56.6 na bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Xinjiang sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road na katumbas ng 86% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Xinjiang. Ito ay mas malaki ng 23.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
 

Nakikinabang nang malaki ang mga taga-Xinjiang sa pagpapalawak ng pagbubukas.
 

Ipinakikita ng datos na noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, halos 1.14 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyon ng Xinjiang, at ito ay lumaki ng 8.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Lumago naman ng 9% at 11.5% ang Urban Per Capita Disposable Income (PCDI) sa mga lunsod at nayon.
 

Sa harap ng katotohanan, nabasag ang mga kasinungalingang gaya ng “sapilitang pagtatrabaho” at “genocide” na niluto ng mga puwersa kontra Tsina ng mga bansang kanluranin.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method