Inihayag kamakailan ni Chancellor Angela Merkel ng Caretaker Cabinet ng Alemanya na mali ang ganap na decoupling o pagkalas sa ugnayan sa Tsina, at makakapinsala ito sa Alemanya at Europa. Iminungkahi niyang patuloy na makipagkooperasyon ang Alemanya at Unyong Europeo (EU) sa Tsina.
Bilang tugon dito, tinukoy nitong Huwebes, Nobyembre 18, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa panahon ng globalisasyon, ang paggagalangan, pantay-pantay na pakikitungo sa isa’t isa, pagpapalitan at matuto sa isa’t isa, kooperasyon at win-win situation ay pangunahing mode ng relasyong pandaigdig.
Hinangaan din ni Zhao ang pagpapahalaga ni Chancellor Merkel sa pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina, at pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon at pagpapalitan sa iba’t ibang larangan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Mac