Gagawing summit ng Tsina at ASEAN, mahalaga para sa ibayo pang pag-unlad ng kanilang relasyon

2021-11-20 17:13:17  CMG
Share with:

Ang virtual summit bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaganapin sa darating na Lunes at pangunguluhan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ay mahalagang pulong para sa pagtatatag ng dalawang panig ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.

 

Winika ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kanyang video message sa Global Town Hall na idinaos ngayong araw, Nobyembre 20, 2021.

 

Dagdag niya, sa pamamagitan ng naturang summit, lalagumin ng Tsina at ASEAN ang mga natamong bunga at karanasan ng kanilang relasyon nitong 30 taong nakalipas, at gagawin ang blueprint para sa ibayo pang pag-unlad ng relasyon sa hinaharap.

 

Sinabi ni Wang, na ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN ay gumaganap ng malaking papel para sa pagpapasulong ng rehiyonal na kooperasyon.

 

Ipinahayag din niya ang pagsuporta ng Tsina sa pagtatatag ng ASEAN Community, at sentralidad ng ASEAN sa mga suliraning panrehiyon.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method