Sa pamamagitan ng video link, nangulo kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa summit bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN. Nang kapanayamin ng media, ipinahayag ni Wu Jianghao, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina na ito ang pinakamalaking aksyong diplomatiko ng Tsina sa taong 2021 at kauna-unahang beses na idinaos ang grupong pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at bansang ASEAN. Sa pulong, pawang sumang-ayon ang dalawang panig na patataasin ang relasyong Sino-ASEAN sa komprehensibong estratehikong partnership na naging bagong milestone ng relasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag pa ni Wu na binuksan ng summit na ito ang isang bagong pahina ng relasyong Sino-ASEAN. Patuloy na pasusulungin ng Tsina ang mapagkaibigang kooperasyon nila ng mga bansang ASEAN at itatatag ang isang komunidad ng Tsina at bansang ASEAN na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Salin: Sissi
Pulido: Mac